Mga grocery store sa Boni Avenue sa Mandaluyong, maagang dinagsa ng mga mamimili

48

Napakahaba na ang pila ng mga mamimili na gustong makapag grocery ngayong umiiral na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), pagkain ang pangunahing alalahanin ng mga tao.

Kapansin pansin na  sa Boni Avenue, partikular na sa Barangaka Drive at Barangay San Jose sa Lungsod ng Mandaluyong, mahaba na ang pila ng mga mamimili nais makapag-grocery.


Dalawang Supermarket ang naabutan na maaga pa lang ay mahaba na ang pila.

Ayon sa mga security guard na nagbabantay sa Supermarket, 50 katao lamang ang maximum mamamili anh pinapapasok nila sa loob. Isa isa rin nila itong sinasailalim sa Thermal Scanner para matiyak na walang sakit.

Pinaptutupad din nila ang No Face Mask No Entry Policy.

Facebook Comments