Mga grupo ng negosyante at Pasay LGU, magpupulong ngayong araw upang pag-usapan kung paano maibangon ang ekonomiya ng lungsod

34

Magpupulong ngayong ang ibat ibang grupo ng mga kilalang negosyante sa Pasay City para sa layuning ibangon ang ekonomiya ng lungsod na pinadapa ng COVID-19 pandemic.

Pormal na ipapakilala ngayong araw ang grupong Sulong Pasay sa isang Media launch sa Philippine Chamber of Commerce and Industry’s Innovation Center.


Kabilang lamang sa mga prominenteng industry leaders na sa Sulong Pasay ay sina Sergio Ortiz-Luis Jr. (PhilExport), Ambassador Benedicto Yujuico (PCCI), dating Tourism Secretary Mina Gabor at Mr. Injap Sia.

Sa gitna ng mga kasalukuyang hamong panlipunan at pang-ekonomiya, asahang mangangako ang grupo na tutulong sa Pasay City Government sa paghahatid ng social services at paghahatid ng infrastructures sa mga residente.

Gayundin sa aktibong kontribusyon sa pagkamit ng peace and order sa lungsod sa gitna ng nararanasang health crisis.

Facebook Comments