Mga guest sa huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, posibleng madagdagan pa

Hindi malabong madagdagan ang mga dadalo at bisita sa pinakahuling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang kinumpirma ni House Majority Leader Martin Romualdez matapos ang naging paunang pulong kasama ang ehekutibo.

Ilan sa mga naging suhestyon para makadalo ang mga mambabatas at ilang mga bisita ay gamitin ang gallery.


Pero ikukunsidera naman na dapat ay fully vaccinated na ang mga dadalo sa ika-anim na SONA ng presidente.

Ngunit sa ngayon, malaki ang posibilidad na manatili pa rin ang dating set-up ng SONA kung saan hybrid o gagamit na lamang ng online platform habang papayagan naman ang limitadong bilang ng mga guests na dadalo mismo sa Batasang Pambansa.

Facebook Comments