Mga gumagaling sa COVID-19 sa Lungsod ng San Juan, mas marami kumpara sa mga nagkakasakit ayon sa CHO

30

Inihayag ng City Health Department ng lungsod ng San Juan na pang-siyam na araw ngayon na mas marami ang mga gumagaling sa COVID-19 kumpara sa mga nagkakasakit sa loob ng 24 oras.


Batay sa kanilang tala ngayong araw, nasa 37 ang mga gumaling sa sakit na dulot ng COVID-19, kaya naman nasa 2,117 na ang kabuuang bilang ng recoveries sa lungsod.

Habang 14 lang ang naidagdag sa bilang ng confirmed COVID-19 cases sa lungsod ngayon araw, pero ang kabuuang bilang nito ay umabot na sa 2,530.

Nananatili naman sa 71 ang bilang ng nasawi sa lungsod simula ng nakaroon ito ng kaso ng COVID-19.

Bumaba naman ang bilang ng active cases ng 23 kaya mayroon na lang ito 342.

Hinikayat naman ng City Health Office ang mga taga-San Juan na mag-register sa sanjuan.staysafe.ph para sa mas maayos na contact tracing.

Facebook Comments