Mga gumagawa ng paputok at pailaw, nangakong susunod sa guidelines ng PNP

82

Susunod ang mga gumagawa ng paputok sa mga alintuntunin na inilatag ng Philippine National Police ngayong holiday season.

Kinumpirma ito ni Lea Lapide, President ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc. (PPMDAI) sa interview ng RMN Manila kaugnay sa ibinabang guidelines ng PNP sa paggamit ng paputok ngayong Kapaskuhan.

Aniya, nakikipag-ugnayan naman sila sa PNP pagdating sa pagbebenta at pagdi-distribute ng mga paputok na pinapayagan ng batas.


Sa ngayon, inihayag ni Lapide na mahina pa ang bentahan ng paputok dahil hindi pa sumasapit ang peak season nito.

Facebook Comments