Mga gumaling sa COVID-19, hindi pa rin ligtas sa sakit – DOH

63

Iginiit ng Department of Health (DOH) na posibleng dapuan muli ng COVID-19 ang mga gumaling na sa sakit.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang antibodies na lumalaban sa virus ay hindi nagtatagal ng katawan ng tao kaya mataas ang tiyansang magkaroon muli ng COVID-19 ang mga taong nakarekober sa sakit.

Pinayuhan din ni Vergeire ang publiko na iwasan ang paggamit ng salitang ‘re-infection’ dahil wala pang sapat na basehan para dito.

Sinisilip na rin ng DOH ang unang documented case ng re-infection sa Hong Kong, kung saan isang 33-anyos na lalaki ang nagpositibo muli sa COVID-19 matapos ng higit apat na buwan mula nang gumaling siya sa sakit.

Una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na walang ebidensya na ang mga gumaling at mayroong antibodies laban sa COVID-19 ay protektado na mula sa ikalawang infection.

Facebook Comments