Mga gumaling sa COVID-19 sa PNP, dumarami

Sa kabila na patuloy na nakakapagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19, marami rin ang mga naitatalang gumaling sa COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa tala ng PNP Health Service, 50 ang mga gumaling sa sakit kahapon.

Mas mataas ito kumpara sa mga bagong kaso na umabot sa 30.


Kaya naman mula sa 8,334 na kaso ng COVID-19, 7,896 na sa kanilang mga tauhan ang gumaling.

Hanggang kahapon, batay pa sa record ng PNP Health Service, 411 na lang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP.

Nanatili naman sa 27 ang nasawi.

Facebook Comments