Mga gumaling sa COVID-19 sa PNP, mahigit 5,000 na

24

Mas dumami ang bilang ng mga pulis na gumaling sa COVID-19 kumpara sa mga bagong pulis na naging infected ng virus.

Sa huling tala mula sa Philippine National Police (PNP) Health Service, 111 ang bagong bilang ng mga gumaling habang 75 naman ang mga bilang ng bagong kaso.

Kaya naman, umakyat na sa 5,093 ang total recoveries ng PNP.

1,048 naman ang natitira nilang active cases.

Nananatili naman sa 17 ang bilang ng mga nasawi sa hanay ng PNP.

Facebook Comments