
Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang ₱2,000 dagdag sa honoraria ng mga guro at iba pang poll workers na magsisilbi sa midterm elections ngayong Lunes.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, alinsunod na rin ito sa kautusan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. lalo na’t batid ng pamahalaan ang hirap ng mga guro at iba pang mga abala tuwing may halalan.
Dahil sa dagdag na ₱2,000, nasa ₱12,OOO na ang bagong honoraria rates para sa chairperson ng electoral board, habang ₱11,000 naman sa poll clerk at 3rd member at ₱8,OOO na mula sa dating ₱6,OOO ang matatanggap ng support staff.
Hinikayat naman ni Pangandaman ang Commission on Elections (Comelec) at iba pang ahensiya ng gobyerno na siguruhing matatanggap agad ng mga guro at iba pang poll workers ang kanilang benepisyo.