Mga guro, dapat i-angat sa vaccine priority list ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian

Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa pamahalaan na i-angat ang mga guro sa mga ipaprayoridad na mabakunahan laban sa COVID-19.

Ayon kay Sen. Gatchalian, ang mga guro ay frontliners din na isinasakripisyo ang kanilang kalusugan at kaligtasan para maipagpatuloy ang mataas na antas ng edukasyon para sa 26 na milyong estudyante sa bansa.

Dapat gawing prayoridad ang mga guro at isama sa mga iba pang frontliners sa mga essential industry.


Batay sa priority list ng pamahalaan, ang mga guro ay susunod na mababakunahan pagkatapos ng health workers, senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at mga mahihirap.

Facebook Comments