MGA GURONG FULLY VACCINATED SA ILOCOS REGION, NASA 49K NA

27
Pumalo na sa 49, 101 ang bilang ng mga teaching at non-teaching personnel sa Ilocos Region ang fully vaccinated, ayon sa Department of Education Region 1.
Ayon kay Dr. Romarie Joy Castillo ang Medical officer IV ng Education Support Services Division ng DepEd Region 1, nasa 2,960 ang nakakuha ng unang dose.
Nasa 2, 208 ang nakapagparehistro na ngunit hindi pa nababakunahan at nasa 1, 523 ang nanatiling undecided kung magpapabakuna o hindi.

Patuloy ang isinasagawang panghihikayat ng kagawaran sa kabila ng napipintong pagpapalawak ng face-to-face classes upang magkaroon ng proteksyon laban sa sakit na COVID-19. | ifmnews
Facebook Comments