Mga healthcare workers, isinasailalim palagi sa COVID-19 test – Sec. Duque

12

Isinasailalim sa COVID-19 test ang mga healthcare workers kada dalawang linggo para malaman kung sila ay mayroong sintomas o tinamaan na ng viral disease.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, patuloy ang monitoring nila sa healthcare workers at isinasalang sila sa test para malaman kung nagpositibo sila o may sintomas sila para agad silang mahiwalay.


Kung sila aniya ay nagpositibo o nagkaroon ng exposure pero walang sintomas ay iku-quarantine sila.

Importante ring ginagawa ito para hindi rin mahawaan ang kanilang mahal sa buhay.

Mula pa noong nakaraang taon pa ipinapatupad ng Department of Health (DOH) ang polisiyang ito.

Facebook Comments