Mga heavy equipments sinunog ng pinaghihinalaang NPA sa Gigaquit, Surigao del Norte

344

Mga heavy equipments sinunog ng pinaghihinalaang NPA sa Sitio Baoy, Brgy. San Isidro, Gigaquit, Surigao del Norte. Ang mga sinunog ay kinabibilangan ng Isang crane at backhoe na pagmamay-ari ng Concepcion Basic Builders, Inc. ni Arthur Ongo, naninirahan sa Cabadbaran City. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, ang 2 heavy equipments ang sinunog ng mga armadong mga lalaki na pinaniniwalaang NPA. Diumano’y narinig pa ang iilang putok ng baril at sinunog ang iilang gulong. Kung matatandaan, ito na ang ikalawang pagkakataon na sinunog ang mga heavy equipments ni Ongo.

 




Facebook Comments