Mga hindi sumipot sa second dose ng COVID vaccine, problema ngayon ng Pasay City Health Office

151

Problema ngayon ng Pasay City Health Office (CHO) ang hindi pagsipot sa second dose ng mga naturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Partikular ang mga nabakunahan ng first dose ng Sinovac mula March 3, 2021 hanggang April 30, 2021 pero hindi pa nakatatanggap ng second dose.


Ang naturang mga indibidwal ay hinihikayat ng CHO na magtungo sa Pasay City West High School hanggang May 28, 2021.

Maaari din silang makipag-ugnayan sa CHO sa pamamagitan ng telephone number 02 8551 2026 kung hindi sila makararating sa itinakdang deadline.

Facebook Comments