Mga hotel sa coastal area ng Manila Bay, ipapasara ni PRRD kapag walang wastewater treatment system

Manila, Philippines – Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga hotel sa coastal area ng Maynila na magkaroon ng maayos na wastewater treatment system.

Ito ay bilang bahagi ng rehabilitasyon ng Manila Bay.

Babala ng Pangulo, kapag hindi nila ito ginawa ay ipapasara niya ang mga ito.


Dagdag pa niya, handang ang gobyerno na malugi sa sektor ng turismo sakaling maraming hotel ang mapapasara dahil sa environmental violations.

Inatasan na ng Pangulo si Environment Secretary Roy Cimatu at Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na pangunahan ang cleanup at rehabilitation ng Manila Bay.

Nitong Lunes, tinalakay sa Cabinet meeting ang posibilidad ng paggamit ng special road fund para pondohan ang paglilinis sa Manila Bay.

Facebook Comments