Mga hotel workers sa Boracay isasailalim sa mass testing ngayong holiday season

27

Kalibo, Aklan — Isasailalim sa mass testing ngayong holiday season ang mga hotel workers sa isla ng Boracay. Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr. Provincial Health Officer I ng PHO-Aklan, na sisimulan nila ang testing sa sa Disyembre 26 hanggang 30 ngayong taon. Nasa siyam na grupo mula sa Province, Department of Health (DOH) at MHO-Malay ang magsasagawa ng nasabing testing. Uunahin nila ang mga staff ng isang hotel kung saan doon ang isang 28-anyos na lalaki na nagpositibo sa COVID-19. Sa nasabing mas testing ay target dito ang may 1, 423 na mga empleyado ng hotel. Samantala, kapag matapos na ang mga hotel workers ay isusunod naman nila ang mga nagtatrabaho sa Jetty Port, mga crew ng ferryboat at ang mga toda.

Facebook Comments