Mga housing units na sinira ng mga kalamidad, makukumpleto na sa December 2021 ayon sa DHSUD

21

Tiniyak ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), Housing Settlements Secretary Eduardo del Rosario na makukumpleto na sa December 2021 ang lahat ng housing units sa mga lugar na pinadapa ng mga kalamidad.

Kabilang dito ang mga housing units sa Talisay City, Cebu para sa mga 19,762 na informal settler families.


Gayundin ang mga housing projects para sa relocation sites ng mga apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ongoing naman ang mga housing project sa Magsaysay, Davao del Sur at Kidapawan City na matinding naapektuhan ng mga lindol.

Ipapasakamay na rin sa December ang mga Yolanda housing units na malapit nang matapos.

Facebook Comments