Mga humahabol para magparehistro, dagsa na sa voter registration site

59

Ilang araw bago ang pagtatapos ng voter registration extension, muling dumagsa ang mga magpaparehistro sa satellite registration sites ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon sa COMELEC, mas marami raw kasi ang nagparehistro ngayon para makaboto sa 2022 national election kung saan pumalo na sa 62 milyon Pilipino ang registered voter.

Nabatid na ang dahilan ng mahabang pila sa mga registration sites ay dahil marami ang inaabutan ng cut-off kaya’t bumalik ulit sila kinabukasan.


Habang sinisimulan na ng ilan ang pagpila ng gabi o sa madaling araw para mag-abang sa pagbubukas ng registration offices ng alas 8:00 ng umaga.

Una nang inanunsyo ng COMELEC na hanggang Oktubre 30 na lamang ang voter registration.

Facebook Comments