Mga iba pang DILG officials, nag-self quarantine na rin

17

Sumasailalim na rin sa self-quarantine ang mga senior officials ng Department of Interior and Local Government (DILG) na may close contact kay DILG Sec. Eduardo Año na nag Positibo sa COVID  19.

Kabilang sa mga ito si DILG Usec. at Spokesperson Jonathan Malaya na naka-home quarantine bilang pagsunod sa protocol ng Department of Health (DOH).


Sa kabila nito, sinabi ni Malaya na nanatiling kontrolado pa rin ni Secretary Año ang operasyon ng DILG kabilang ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ngayong pumasok na sa ikatlong linggo ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), hiniling ni Secretary Año sa buong departamento na doblehin pa ang pagsusumikap sa paglaban sa COVID-19.

Ipinapanalangin din ng buong DILG kasama ang lahat ng uniformed personnel at Local Government Units (LGUs) sa buong bansa ang mabilis na paggaling ni Secretary Año mula sa pagkahawa sa nakamamatay na virus.

Facebook Comments