Mga iligal na online sabong, mas mapapadali nang mahuli dahil sa regulation ng PAGCOR

248

Magiging basehan sa panghuhuli ng mga iligal na online sabong ang pagkakaroon ng regulation sa mga ito ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ito ang sinabi ni PAGCOR Chairman Andrea Domingo sa interview ng RMN Manila kung saan ipinaliwanag din nito na dati ay nakabatay lamang sa sariling inisyatibo ang panghuhuli ng Philippine National Police (PNP) sa mga online sabong.


Ayon pa kay Domingo, ang online sabong ang pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng ahensiya ngayon dahil sa pagsasara ng mga casino bunsod pa rin ng COVID-19 pandemic.

Samantala, sa ngayon ay dalawang kumpanya pa lamang ang pinapayagan ng PAGCOR para sa online sabong kabilang ang Belvedere Corporation at Lucky 8 Starquest ng negosyante na si Atong Ang.

Facebook Comments