Mga illegal na kahoy, nakumpiska ng DENR at PNP

239

Butuan, Philippines – Umabot sa Php 9,576.00 ang halaga ng mga illegal na kahoy ng gubas at tu-og lumbers na nasa 151 pcs ang sakay sa isang truck ang nakumpiska sa San Francisco Municipal Police Station, kasama ang DENR at San Francisco Municipal Police Station, Agusan Del Sur Menro sa abandonadong lugar sa purok 1, barangay Bitan-Agan , San Francisco Agusan Del Sur.

At dito sa Butuan City, isang multi-cab na puno ng mga illegal na kahoy na lawaan sa hindi pa matukoy na halaga ang naharang ng Butuan City Public Safety Company sa mismong sentro ng lungsod, at pagkahuli ng 2 mga suspects na sila Jimmilito Taboclaan Rota Jr. at Paul Belluga Hingco, ng walang mapakitang dokumento sa mga awtoridad sa pagdala sa mga nasabing mga kahoy.

Sa ngayon ang mga kahoyng nakumpiska ang nakakustodiya na sa DENR CARAGA.


tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments