Mga illegal vendor sa buong lungsod ng Maynila, tututukan ni Mayor Honey Lacuna-Pangan

69

Plano ni Mayor Honey Lacuna-Pangan na pigilan ang mga illegal vendor sa buong lungsod ng Maynila.

Sa pahayag ni Mayor Honey, hindi lamang Quiapo at Divisoria ang kanilang tututukan kung saan lahat ng sulok ng lungsod ay kaniyang paiikutan upang matigil na ang nasabing iligal na gawain.

Nabatid na napansin ng alkalde sa kuha ng CCTV na kalat na ang mga illegal vendors sa kanilang lungsod.


Bukod dito, nais rin ni Mayor Honey na malinis ang lansangan at kalsada sa mga obstruction o sagabal at sa mga illegal structures.

Dahil dito, nakatakdang magpatawag si Mayor Honey ng command conference kasama ang ilang matataas na opisyal ng Manila Police District (MPD) at city hall para iparating sa kanilang ang kaniyang mga hinaing at plano.

Facebook Comments