Mga indibidwal na mapili sa brand ng COVID-19 vaccine, posibleng sa dulo na mabakunahan

74

Muling nakiusap ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag nang mamili ng brand ng COVID-19 vaccine.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na kung mamimili ng bakuna ay posibleng sa bandang dulo na sila maturukan.


Mas malaki rin aniya ang tiyansa na mahawa ng COVID-19 ang mga hindi pa rin magpapaturok kakahintay sa brand ng bakuna na gusto nila.

Kahapon, sinabi ng DOH na hindi na nila isasapubliko ang brand ng bakuna para mapabilis ang vaccine rollout at maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa mga vaccination site.

Facebook Comments