Mga indibidwal na sasailalim sa COVID vaccination sa Parañaque, patuloy ang pagdagsa

29
Photo Courtesy: Parañaque City - Public Information Office

Patuloy ang pagdagsa ng mga tao na sasailalim sa pagbabakuna sa Ayala Malls sa Parañaque City.

Partikular na nakapila sa ikalimang palapag ang mga kababayan natin mula sa A1 at A3 groups o ang medical frontliners at may comorbidities.

Sila ang mga tatanggap ng unang dose ng Sputnik V ng Gamaleya mula sa Russia.


Karamihan naman sa mga nabakunahan ng Sputnik V ay wala namang naramdamang adverse effects.

Samantala, sa ikalawang palapag naman ng mall ay nakapila ang mga senior citizen na tatanggap ng second dose ng bakuna.

Facebook Comments