Mga insidente ng suicide sa mga mall, city council ipinapa- imbestiga sa QC City council

61

Nais ni QC Mayor Joy Belmonte na magsagawa city council ng imbestigasyon sa nangyayaring suicide incident sa mga mall na ang pinakahuling insidente ayay noong Sabado.

Inatasan ni Belmonte si Councilors Irene Belmonte, Lala Sotto at PM Vargas, mga chairperson ng Committee on Education, Science and Technology, Committee on Health and Committee on Infrastucture, na pangunahan ang imbestigasyon.


Naalarma ang Lady Mayor matapos makapagtala ng dalawang insidente ng suicide sa isang mall sa QC, noong october 5 at nitong nakalipas na Sabado.

Dapat aniyang mag focus ang imbestigasyon sa mental health issue sa mga kabataan at kung paano ito masosolusyunan.

Bubuuo din ng crisis intervention units on-site na mag-assist sa mga establishments paano humawak ng ganitong mga insidente.

Pinasisilip din nito ang setup ng mga mall at building at kung paano magpapatupad ng mahigpit na seguridad upang hindi na maulit pa ang ganitong insidente.

Umapela namin si Mayor Belmonte huwag nang maagpakalat ng video sa social media upang hindi na makadagdag sa problema.

 

Facebook Comments