Mga ipinawalang bisang probisyon sa ilalim ng 2019 budget, tinukoy

125

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya hahayaan ang anumang pagtatangka na salungatin ang konstitusyon.

Ito ang bahagi ng kanyang veto message para sa General Appropriations Act of 2019 o ang national budget.


Tinukoy ang 12 probisyon sa national budget na ibinasura ng Pangulo kabilang na rito ang ilan sa mga sumusunod:

Paggamit ng “income” sa ilalim ng DOLE-National Labor Relations Commission.

Assistance sa municipalities at cities sa ilalim ng local government support fund.

Probisyong patungkol sa pangongolekta ng fees para retainment o reacquire ng Philippine citizenship.

Special working permit provision ng Bureau of Immigration.

Tinatawag na “special road support fund,” “special local road fund,” at “special pollution control fund” sa ilalim ng DPWH.

Aminado ang Pangulo na hindi naging matiwasay sa pagpapapasa ng panukalang budget.

Gayunman, maaaring tingnan sa positibong pananaw ang budget delay para na rin sa kapakanan ng bawat Pilipino.

Facebook Comments

From Advertisers