MGA ISINAGAWANG FARM-TO-MARKET ROADS SA MALASIQUI, NAPAPAKINABANGAN NA NG MGA RESIDENTE

Napapakinabangan na ng mga residente sa bayan ng Malasiqui ang mga natapos ng farm-to-market roads sa iba’t-ibang barangay sa bayan.

Ayon sa ilang residente, malaking tulong umano ang nasabing mga proyekto pagdating sa pagkakaroon ng maayos na daanan, kung saan dati umano ay makitid at lubak-lubak pa.

Sa ngayon, natapos na ang pagsasaayos nito sa mga barangay ng Talospatang, Lasip, Aliaga, Malimpec, Butao at Nansangaan.

Nakatutulong din ito sa mga magsasaka dahil mas maayos na ang pagtransport ng kanilang mga naaning produkto mula sa sakahan papunta sa merkado.

Samantala, inaaasahan na magpapatuloy pa ang mga pang-imprastrakturang programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga bayan at lungsod sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments