Sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan, puspusan na ang isinasagawang disaster preparedness ng Dagupan City, partikular na ang mga kabilang sa island barangays.
Sa Brgy. Pugaro, pinaiigting ang information dissemination lalong lalo na ang mga unang maapektuhan – ang mga nasa tabing ilog at mga malapit sa dagat.
Ayon kay Pugaro Brgy. Captain Nestor Victorio, bago pa ang parating na kalamidad, inaabisuhan na ang mga residente na lumikas.
Patuloy din ang pagpapatayo ng seawall upang maibsan ang epekto ng storm surge sa panahon ng bagyo.
Dagdag pa rito ang pagtutuloy ng konstruksyon ng 4 storey evacuation center na malaking tulong sa mga residente sa mga panahon ng kalamidad.
Handa umanong tumulong ang barangay council sa mga kakailanganin ng kanilang mga kabarangay sa ganitong kalagayan ng panahon, mangyari lamang makipag-ugnayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣