MGA ISYU SA SEKTOR NG AGRIKULTURA, TINALAKAY SA PAGPUPULONG NG MGA PANGULO NG IBA’T IBANG SAMAHAN NG MGA MAGSASAKA SA BAYAMBANG

‎Tinalakay ng mga pangulo ng iba’t ibang samahan ng mga magsasaka sa Bayambang ang mga napapanahong isyu sa sektor ng agrikultura, kabilang ang paghahanda sa Dry Season 2026 at ang mga posibleng epekto ng El Niño.

‎
‎Isinagawa ang buwanang pagpupulong nitong Nobyembre 3, 2026, sa Pavilion 1, Saint Vincent Ferrer Prayer Park sa Barangay Bani, sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office.

‎
‎Kabilang sa mga paksang tinalakay ang pagtatanim ng palay, mais at high-value crops o HVC ngayong Dry Season, gayundin ang mga update hinggil sa El Niño at African Swine Fever o ASF.

‎
‎Napag-usapan din ang corporate farming sa mais at ang panukalang pagbuo ng iba’t ibang komite sa mga samahan ng mga magsasaka upang higit pang mapalakas ang kanilang organisasyon.

‎
‎Tinalakay rin ang Organic Marketplace, mga update sa pagpaparehistro ng Farmers Cooperative Association o FCA, at iba pang mahahalagang usaping may kaugnayan sa pagpapaunlad ng agrikultura sa bayan.

‎
‎Layunin ng naturang pagpupulong na mapalakas ang koordinasyon sa pagitan ng Municipal Agriculture Office at mga samahan ng mga magsasaka, gayundin ang paghahanda ng sektor sa mga hamon na maaaring idulot ng pagbabago ng panahon at iba pang suliraning pang-agrikultura. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments