Mga jeepney driver na hindi nakatanggap ng SAP aid, bibigyan ng financial assistance ng San Juan City

30

Nangako si San Juan Mayor Francis Zamora na bibigyan ng financial assistance ang mga jeepney driver na hindi napasama sa Social Amelioration Program (SAP) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) program ng gobyerno.

Ayon kay Zamora, may plano siyang talakayin ito kasama ang mga local officials ng lungsod upang bigyan ng ayuda ang mga jeepney driver ng mga pampublikong pampasaherong jeep na hindi nakapagtrabaho nang anim na buwan mula ng mag-lockdown.

Umapela ang alkalde sa mga jeepney driver na hindi napasama sa SAP at TUPAD na dagdagan pa ang kanilang maraming pasensiya dahil tinatrabaho na ang ayuda para sa kanila.

Dagdag pa ni Zamora na ang mga relief goods para sa mga jeepney driver ay sinimulan noong nakaraang linggo.

Facebook Comments