Mga job order at contract worker sa lokal na pamahalaan ng Maynila, makakatanggap ng 5K na tulong pinansyal

192

Isang ordinansa ang nilagdaan ngayon ni Manila Mayor Isko Moreno na magbibigay ng financial assistance sa mga nagta-trabaho sa lokal na pamahalaan bilang mga job order, contract of service at iba pang kahalintulad nito.

Batay sa Ordinance No. 8701, makatatanggap ng ₱5,000 financial assistance ang mga nasa ilalim ng job order contract, contract of service at mga kahalintulad na manggagawa kung saan naglaan ang lokal na pamahalaan ng ₱49.8 milyon na budget para dito.


Ayon kay Moreno, ito ay upang makatulong na mapagaan ang pasaning pampinansyal na kinakaharap ng mga empleyado na nasa ilalim ng job order at mga contract workers dulot na rin ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments