Mga kaanak ng napatay na doktor sa Cotabato City, nagpasaklolo na kay Pangulong Duterte

Cotobato, Philippines – Humingi na ng tulong kay Pangulong Duterte ang mga kaanak ng pinaslang na si Dr. Sajid ‘Jaja’ Sinolinding.

Ito ay para tugunan ng Pangulo ang matagal ng problema sa Cotabato Foundation College of Science and Technology o CFCST sa Arakan, North Cotabato.
Naniniwala si Dr. Harris Sinolinding na naging ‘Sacrificial Lamb’ lamang ang kanyang bunsong kapatid at nadamay lamang sa gulo nagaganap sa naturang paaralan.

Maalalang nabaril at napatay si Dr. Jaja habang nasa loob ng Cotabato doctors’ clinic sa Cotabato City noong martes ng umaga.


Una rito, tinambangan din Noong Agosto ng nakaraang taon sa kanilang paaralan si Dr. Harris. Bago ang pagkakapaslang kay Dr. Jaja ay binaril din ang isang farmer leader sa harap ng kanyang tindahan sa Brgy. Ilustre, Pres. Roxas na si tatay juling nito lamang buwan ng Pebrero.

Umaasa naman si Dr. Harris na madakip sa lalong madaling panahon ang suspek sa pagpatay sa kanyang nakakabatang kapatid na si Dr. Jaja.

Ngayong araw ng sabado ay gagawin ang kanduli kaugnay sa pagkamatay ni Dr. Jaja sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.
Nation

Facebook Comments