Mga kababaihan, dapat tumayo laban sa misogyny ayon kay VP Robredo

316

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na dapat tumayo at lumaban ang mga kababaihan laban sa misogyny.

Ito ay kasunod ng mga pang-iinsulto at pagbanat sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon kay Robredo, hindi dapat binabastos ang mga kababaihan.

Aniya, dapat siyang tumayo bilang halimbawa sa mga kababaihan na lalaban kapag inaapi.

Walang problema kay Robredo na batuhin ng kritisismo ang mga public officials basta ito ay totoo at may respeto.

Facebook Comments