Mga kababayan nating may mga sulat o package na nadamay sa sunog, dapat tulungan ng PPC

Iginiit ni Manila 6th District Representative Bienvenido “Benny” Abante Jr., sa Philippine Postal Corporation (PPC) na gawin ang lahat para matulungan ang mga indibidwal na may mga sulat, package o iba pang mahahalagang gamit na nadamay sa pagkasunog ng Manila Central Post Office (MCPO).

Makadurog puso para kay Abante na makita ang matinding pinsalang inabot sa sunog ng MCPO habang nakakaawa rin ang mga kababayan natin na mayroong mga importanteng sulat o package na nadamay sa insidente.

Nangako naman si Abante na makikipagtulungan sa kanyang kapwa mga mambabatas at pamahalaan para matiyak na maisasaayos ang MCPO.


Si Abante ay kaisa rin sa mga nagsusulong ng imbestigasyon sa pagkasunog ng National Post Office Building at hinihiling din niya na isailalim agad sa evaluation at pagsusuri ang iba pang iconic landmarks at historical sites sa buong bansa.

Facebook Comments