Mga kabahayang kumokonsumo ng hindi lalampas sa 200kWh na kuryente kada buwan, pinalilibre sa VAT

692

Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang batas na ilibre sa Value-Added Tax (VAT) ang mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.

Ito ay sa ilalim ng House Bill No. 161 o “VAT Exemption for Covered Electric Billing Act of 2002” na inihain nina SAGIP Party-List Representative Rodante Marcoleta at Caroline Tanchay aa 19th Congress.

Ayon sa mga mambabatas, ang kuryente ay hindi na luho, kundi pangangailangan.


Dahil dito, mahalaga anila na mabigyan ng kaunting suporta ang mga low-income earners na hindi na makasabay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Kung maisasabatas, nasa P240 kada buwan na bayarin sa kuryente ang matitipid ng mga low-income households na anila’y malaking kaginhawaan na sa kanilang gastusin.

Batay sa pinakahuling Department of Energy Compendium ng Philippine Energy Statistics and Information, ang kuryente pa rin ang itinuturing na “most consumed utility” sa residential sector.



Facebook Comments