Mga kabataan, kabilang sa may mataas na bilang ng mga tinamaan ng COVID-19

Nagbabala si Taguig City Mayor Lino Cayetano sa mga kabataan at mga magulang laban sa banta ng COVID-19.

Ayon kay Cayetano, napag-alaman nila mula sa maraming ospital sa bansa na malaking bilang ng mga kabataan na tinatamaan ng COVID-19 ay napupunta sa critical care units.

Aniya, ang mga nakakatanda ang palaging nabibigyan ng atensyon pero nakakaligtaan ang mga kabataan.


Dahil dito, umapela si Cayetano sa mga kabataan at magulang na maging responsable sa kanilang mga aksyon at ginagawa.

Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga magulang na huwag kaligtaan na pasuotin ang kanilang mga anak ng face mask lalo na kung nakikipag-usap sa ibang tao.

Facebook Comments