MGA KABATAAN SUMAILALIM SA PAGSASANAY NG PANGASINAN PDRRMO

Nagsagawa ang tanggapan ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng pagsasanay sa mga estudyante ukol sa live-saving techniques.
Lumahok sa naturang pagsasanay ang mga estudyante mula sa Pangasinan School of Arts and Trades kung Saan tinuturuan ang mga ito ng basic water safety, paggamit ng water rescue equipment, swimming strokes, at iba pang uri ng paglangoy.
Ayon sa PDRRMO, mahalaga na magkaroon ang mga ito ng kaalaman Lalo na pagdating sa live saving techniques upang maihanda ang mga ito sa anomang Uri ng sakuna.

Naglalayon ang naturang aktibidad na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga estudyante ng mga kasanayan na kayang makapag-salba ng buhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments