MGA KAGURUAN SA DAGUPAN CITY, BINIGYAN DIIN ANG KAHALAGAHAN NG EDUKASYON

Sa muling pagbubukas ng bagong School Year, panibagong mga aktibidad, kaalaman at aral ang naghihintay para sa mga estudyanteng magbabalik-eskwela.

Binigyang-diin ng mga kaguruan ang kahalagahan ng pag-aaral o ang karapatan at pribilehiyo sa edukasyon, kasunod na rin ng on-going enrollment para sa bagong academic year.

Nagpapatuloy din ang Balik-Eskwela ng mga guro, estudyante, volunteers at iba’t-ibang stakeholders ng mga institusyon upang ihanda ang mga kagamitan at pasilidad bago ang pasukan sa darating na June 16, 2025.

Samantala, hinikayat na rin ang publiko na may nais makapagbigay ng mga school at cleaning materials na samantalahin ang isangng buong linggo upang maisakatuparan ang kinakailangan pag-aayos sa mga paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments