Mga kakasuhang lumabag sa batas trapiko sa Bicol region, pormal nang isinumite sa LTFRB Manila

Bicol, Philippines – Pormal nang isinumite ng LTFRB Bicol region ang lahat ng mga kaso ng mga lumabag sa batas trapiko sa naturang rehiyon.

Kasama na rin dito ang mga operators ng mga pampublikong sasakyan na patuloy na lumalabag at hindi pa rin nagpapa-renew ng kanilang mga prangkisa.

Karapat-dapat lang aniyang isumite na ito sa central office para mahatulan na kung sila ba’y maaari pang makapag-piyansa o tuluyan nang babawiin ng pamahalaan ang mga unit na naka-impound pa rin hanggang ngayon.


Pinagmumulta ang mga may-ari ng mga naturang impounded units ng halagang nagsisimula sa P200,000 hanggang sa p1-milyong piso.
DZXL558

Facebook Comments