Mga kandidato, hinimok ng Ecowaste Coalition na huwag bumati ng “Happy Valentine’s” gamit ang plastic tarpaulins

Hinikayat ng Ecowaste Coalition ang mga kandidato sa 2022 national elections na huwag ipakita ang kanilang pagbati ng Happy Valentine’s sa kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng plastic tarpaulins.

Ayon kay Jove Benoza ng Ecowaste Coalition, mas makabubuti kung ipakita na lang ng mga pulitiko ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pagbuo ng public service platform na makakatulong sa tao at sa kalikasan.

Aniya, mas makakatulong din ito para mabawasan ang dami ng basura na maiipon ngayong panahon ng pangangampanya.


Ang mga tarpaulin ay gawa sa polyvynyl chloride, nagtataglay ng toxic chemicals gaya ng cadmium na mapanganib sa kalusugan at kalikasan.

Facebook Comments