
Nanawagan ang mga pambatong senador ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na iwasan na ang negatibong pangangampanya.
Ito’y kasunod ng pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tungkol sa pagpatay sa mga senador para makapasok ang mga pambato niya sa Senado.
Ayon sa Alyansa, nakatutok sila sa pagpapasa ng mga batas at pagkakaisa, sa halip na pagkontra at pagkakawatak-watak.
Tulad na lang ni Senator Francis Tolentino na ibinida ang kaniyang isiningit na probisyon sa isang panukalang batas na magbibigay ng discount sa internet load ng mga studyante sa public at private institutions.
Gayundin ang naipasang Doble Plaka Law, at ang Archipelagic Sea Lanes Law para maprotektahan ang mga mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).
Si Sen. Bong Revilla naman, iginiit na hindi lamang aniya pagsayaw ang naging ambag sa Senado.
Ibinida ni Revilla na nasa higit 300 ang naipasa niyang batas kabilang ang pagbabawal sa “No Permit, No Exam Policy.”
Samantala, umaasa naman ang mga pambato ng administrasyon na mauulit ngayong 2025 ang malaking panalo ni Pangulong Marcos sa National Capital Region (NCR) noong 2022.