Mga kandidato sa pagkapangulo, hahataw na sa huling araw ng kampanya!

64

Magsasagawa ng kanina-kanilang mga miting de avance ang mga presidential at vice presidential candidates para sa Eleksyon 2022.

Ngayong araw, Mayo 7, ang huling pitch ng kampanya kung saan inaasahang ibibigay ng mga kandidato ang lahat upang ligawan ang mga Pilipinong botante.

Si dating Senador Bongbong Marcos ay magdaraos ng miting de avance sa open grounds sa harap ng Solaire Hotel sa Parañaque City.


Magkakaroon naman ng homecoming miting de avance si Senador Manny Pacquiao sa General Santos City.

Samantala, gaganapin sa Ayala Avenue Makati City ang miting de avance ni Vice President Leni Robredo habang sa Moriones, Tondo naman si Manila Mayor Isko Moreno.

Nagdaos naman ng campaign finale sa Carmona, Cavite si Senador Panfilo Lacson kagabi, Mayo 6.



Inaaasahang magiging tahimik ang araw ng Linggo, Mayo 8, o isang araw bago ang halalan dahil ipinagbabawal na ang pangangampanya.

Facebook Comments