
Kasabay ng pagsisimula ng kampanya para sa national candidates, may paalala ang National Historical Commission of the Philippines o NHCP sa lahat ng mga kumakandidato.
Ayon sa NHCP, hindi dapat gamitin ang watawat ng Pilipinas bilang bahagi ng mga campaign ads at kanilang mga materials.
Sabi ng NHCP, dapat bigyan ng respeto at pagpapahalaga ang ating watawat na simbolo ng pagka-Pilipino alinsunod na rin sa ilalim ng R.A 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines.
Nakalagay kasi sa batas na kailangang igalang sa lahat ng oras ang watawat ng Pilipinas at iba pang national symbols na kumakatawan sa soberenya at pagkakaisa ng mga Pilipino.
Nanawagan naman ang NHCP sa publiko na agad magsumbong sa kanila kapag may nakitang lumabag dito.
Facebook Comments