Mga kandidatong hindi nakapasok sa magic 12 ng senatorial survey ng Pulse Asia, magdo-doble kayod

Manila, Philippines – Bagaman at hindi nakapasok sa “magic 12”, nagpasalamat pa rin sina Senador Bam Aquino at Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino sa naging resulta ng senatorial survey ng Pulse Asia.

Si Aquino ay nasa rank 10th to 16th habang nasa rank 17th to 18th si Tolentino.

Ayon kay Aquino – maituturing pa rin itong improvement kumpara sa naging ranggo niya sa huling survey noong Setyembre.


Gagawin aniya niya itong gabay para magdoble-kayod pa na maipakita ang mga nagawa at gusto pa niyang magawa para sa taumbayan.

Para naman kay Tolentino, pinanghahawakan pa rin niya hanggang ngayon ang naging ranggo niya sa aktwal na eleksyon noong 2016 kung saan bumagsak siya sa panglabing-tatlo.

Tiwala naman siya na makakatulong sa kanyang kandidatura ang endorsement sa kanya ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments