Mga kandidatong tumanggap ng donasyon sa mga contractor noong 2022 elections, iisyuhan na ng show cause order ng Comelec

Mag-iisyu na ng show cause order ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kumandidato na sinasabing tumanggap ng mga donasyon mula sa contractors noong 2022.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, pagpapaliwanagin na ng Political Finance and Affairs Department ang mga kandidatong sinasabing nakinabang matapos sumagot ang ilang contractor.

Samantala, kinumpirma rin ni Garcia na natanggap na ng departamento ang certification mula sa 31 na contractor na umano’y nagdonate din sa mga kandidato nitong nagdaang 2025 midterm elections.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay ng donasyon ng mga government contractors sa mga kandidato sa halalan.

Facebook Comments