Mga kasabwat ng isang lalaking naaresto dahil sa iligal na droga sa Maynila, patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad

80

Patuloy na pinaghahanap ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Malate Police Station-9 ang kasabwat o mga kasabway ng isang lalaki na naaresto nila dahil sa iligal na droga.

Nabatid na unang nadakip ang suspek na si Royet Orilliola alyas “Joki”, 26-anyos sa isang buy bust operation sa may bahagi ng Adriatico Street kanto ng Quirino Avenue sa Barangay 704, Malate, Manila.


Nakuha sa suspek ang nasa tatlong sachet ng shabu na may bigat na dalawang gramo at nagkakahalaga ng higit P13,000.

Pero sa nakuhang impormasyon ng mga ototidad, nalaman nila na hindi pala nagbebenta ng solo ang nasakote nilang suspek kung kaya’t inaalam na nila ang mga kasabwat nito na patuloy na nagbebenta ng droga sa area ng Paco, Maynila.

Facebook Comments