Mga katangiang kailangan sa susunod na pinuno ng PhilHealth, inisa-isa ng Palasyo

44

Inilatag ng Malacañang ang mga katangiang kailangan para sa susunod na pinuno ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang susunod na PhilHealth Chief ay kailangang may integridad at may mahusay na pamamahala.

Marunong din aniya dapat ang susunod na pinuno sa pagprotekta ng pondo ng bayan.

Iginiit ni Roque na ipinaiiral ni Pangulong Rodrigo Duterte ang zero tolerance pagdating sa korapsyon.

Pagtitiyak ng Palasyo na lilinisin ang PhilHealth sa anumang iregularidad at pananagutin ang sinumang sangkot sa mga anomalya.

Facebook Comments