Mga katawan na nahukay sa gumuhong gusali sa Porac, Pampanga, nadagdagan pa

 

 

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga katawan na nahuhukay sa gumuhong gusali dito sa Porac, Pampanga kasunod ng malakas na lindol kahapon.

 

Sa ngayon ay 12 katawan na ang nakuha ng mga otoridad at 8 sa kanila ang buhay, habang 4 naman ang patay.

 

Samantala, ang pinakahuling na-rescue mula sa ilalim ng gumuhong building ay si John Castellos.


 

Milagrong nakaligtas si Castellos mula sa 15 oras niyang pagka-trap sa ilalim ng mga guho.

 

Ayon sa kanya, meron pang isang babae malapit kung saan siya nahukay.

 

Naririnig pa niya ito kagabi, pero ngayon hindi na aniya ito lumilikha ng anumang ingay.

Facebook Comments