Mga kawani ng LGU Buldon, Brgy. Officials at BPATS muling isinalim sa Drug Test

22

Sa layuning tuluyang matuldukan ang problema sa illegal drugs at maituloy ang mga nasimulang kampanya kontra droga, muling nagsagawa ng random drug test ang mga opisyales ng LGU Buldon .
Nanguna sa drug testing si Buldon MayorAbolais Manalao kasama ang mga Baranggay Officials, kagawad , BPATS, at mga empleyado.
Isinagawa ang aktibidad sa Brgy. Calaan sa presensya ng mga elemento ng Buldon MPS sa pangunguna ni Chief of Police CIns Art Liwan.

Sa ngayon, 8 Baranggay na ng bayan ang idineklarang drug cleared ng PDEA ARMM at sinasabing inaasahang sa mga susunod na araw ay tuluyang maidideklara pa ang 7 iba pang Baranggay.
Patuloy namang hinimok ni Mayor Manalao ang lahat ng kanyang mga kababayan na makiisa sa kanilang pagsisikap na maging Drug Cleared Town ang Buldon.

Facebook Comments