Mga kawani ng pamahalaan na nag-report sa trabaho sa ilalim ng ECQ at MECQ, makatatanggap ng hazard pay

35

Makakatanggap ng hazard pay ang mga government personnel na pisikal na pumapasok sa kanilang trabaho habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Batay sa Administrative Order Number 43 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong June 1, 2021, makatanggap ng hindi lalampas sa ₱500 ang mga empleyado ng national government, Government Owned and Controlled Corporations at maging State Universities and Colleges (SUCs).


Kasama rin sa mga tatanggap ng hazard pay ang mga regular, contractual o nasa casual positions at ang mga contract of service o COS at job order (JO).

Nakasaad din sa AO na kailangan lamang matiyak na awtorisado ang pagpasok ng mga ito sa kanilang tanggapan at pasok sa official working hours habang umiiral ang ECQ at MECQ.

Para naman sa mga kawani ng Local Government Units o barangay, ang kanilang Sanggunian ang magde-determina ng hazard pay na igagawad sa mga ito pero hindi dapat lalampas ng ₱500 at ibabase sa kanilang financial capability.

Facebook Comments